LATEST NEWS


DATING PANG. NOYNOY AQUINO, HINDI MAKADADALO SA 3RD SONA NI PANG. DUTERTE



Hindi muli makadadalo sa pangatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte si Dating President Benigno 'Noynoy' Aquino the third.

Matatandaang hindi rin dumalo ang dating pangulo sa mga naunang SONA ni Pangulong Duterte.

Sa mga nakaraang taon, sinabi ni Aquino, mas pabor siyang panoorin na lamang ang SONA sa telebisyon upang mas mapagtuunan umano ang laman ng mensahe ng pangulo.

Samantala, Kumpirmado naman ang pagdating nina dating pangulo Fidel Ramos, Joseph Estrada, at Gloria Macapagal-Arroyo.

Kumpirmado rin ang pagdating nina Vice President Leni Robredo, mga dating pinuno ng Senado na sina Juan Ponce Enrile, Aquilino 'Koko' Pimentel III and Manny Villar, and dating House Speaker Jose de Venecia Jr..