LATEST NEWS


IKA-3 TELECOM PROVIDER SA PILIPINAS, MAAARING BIGYANG-PONDO NG TSINA



Posibleng magkaroon ng ikatlong telecommunication carrier sa bansa matapos alukin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bansang Tsina na maglaan ng pondo para sa nasabing proyekto.

Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito na ang hudyat ng pagtatapos ng paghahari-harian ng 'duopoly' ng mga kumpanyang Globe at PLDT-SMART sa telecom industry ng bansa.

Ani Roque, seryoso ang pangulo sa nasabing proyekto kaya inatasan nito ang Office of the Executive Secretary (OES) na pangasiwaan ang lahat ng mga aplikasyong darating mula sa foreign telecom service providers.

Dagdag pa ni Roque, una ng lumagda ng kasunduan ang gobyerno sa isang Facebook affiliate na nakatakdang magbigay ng dalawang (2) terabites per second bandwidth – katumbas nito ang kasalukuyang kapasidad na naibibigay ng anya'y 'duopoly' ng dalawang telecom operators sa bansa.