LATEST NEWS


VP ROBREDO NAIS PABANTAYAN ANG P100 KILONG BIGAS SA MARAWI



Pinababantayan ni Vice President Leni Robredo ang napabalitang umaabot sa P100/k ang presyo ng bigas sa Marawi city matapos ang giyera doon.

Sa kanyang pagbisita sa siyudad noong nakaraang linggo, sinabi ng pangalawang pangulo ang kapansin-pansin na umano'y pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Dahil dito, hiniling ni Robredo ang pagkakaroon ng price monitoring council na siyang magbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa lungsod.

Nanawagan din ito sa Departments of Agriculture at Trade and Industry para maglaan ng hanap-buhay sa mga residente doon.