LATEST NEWS


TERMINAL RATIONALIZATION SA NAIA, HINDI NA MATUTULOY



Hindi na matutuloy ang airline transfers sa mga terminal ng NAIA na bahagi ng terminal rationalization program ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Kinumpirma ito ng Department of Transportation (DOTr) sa isang Facebook post sa kanilang official page dahil umano sa maling impormasyong kumakalat ngayon sa social media.

Ayon kay MIAA General Manager Ed Monreal, bagaman mayroon nang ilang airline companies na suportado ang nasabing programa, nagkaroon umano ng “unforeseen operational constraints” na nangangailangan ng mahabang panahon upang maresolba.

Pormal na ring hiniling ng MIAA sa House committee on Transportation na ihihinto na ang programa na nakatakda sanang magsimula sa katapusan ng Agosto.

Layunin ng napurnadang rationalization program ng MIAA na mahinto ang paghahalo ng domestic at international flights sa terminals 2 at 3 ng NAIA na siyang nagiging dahilan ng congestion at pagkaantala ng mga flight.